3 illegal alien arestado sa BI at PAOCC
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI) kasama ang Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) ang tatlong Chinese national na tinaguriang illegal alien.
Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr., katuwang nila ng PAOCC ang Clark Development Corporation (CDC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-aresto kina Huang Shuzhen, 23, Chen Qianfang, 46, at Huang Zaicheng, 54.
Batay sa report, alas 6:30 ng hapon nitong Sabado nang pasukin ang target na villa sa Fontana Leisure Park, Clark Freeport Zone dahil sa kawalan ng occupancy permit.
Dala ang mission order mula kay BI Commissioner Norman Tansingco, hindi natagpuan ang target at sa halip ang tatlong illegal alien ang dinatnan.
Walang naipakitang dokumento ang tatlo na nagresulta sa kanilang pagiging undocumented alien.
Agad silang inaresto at inilipat sa PAOCC facility sa Pasay, City.
Binalaan ni Tansingco ang mga ilegal na dayuhan na huwag abusuhin ang mabuting pakikitungo sa bansa.
- Latest