Lalaki may kasong rape, arestado sa NAIA
MANILA, Philippines — Matagumpay na naaresto ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa ikinasang joint operations ng mga miyembro ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) at Crime Investigation and Detection Group-Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU), sa Ninoy Aquino Intertional Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City.
Ang suspek na isang alyas “Tony”, 32-anyos, residente ng Pasay City, na papaalis na pasahero sa isang flight patungong Osaka.
Ayon sa mga awtoridad, kinumpirma ng Bureau of Immigration ang pagkakakilanlan ng akusado at napag-alaman na mayroon siyang outstanding warrant of arrest para sa paglabag sa kasong rape sa ilalim ng Republic Act No. 8353, na may Criminal Case No. 5891-B-2024 at non-bailable. Ang nasabing warrant ay inisyu ni Hon. Vernard V. Quijano, ang Presiding Judge ng RTC, Judicial Region, Branch 123 ng Biñan City, Laguna, na may petsang Enero 23, 2024.
Sa panahon ng pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang uri ng kanyang pagkakasala at kanyang mga karapatan sa Konstitusyon. Isang Alternative Recording Device (ARD) ang ginamit alinsunod sa batas.
Pinuri ni PBrig. Gen Christopher Abrahano, director ng PNP AVSEGROUP, ang mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa paliparan.
- Latest