^

Metro

Kotse niratrat sa road rage: OFW nasapol ng bala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinutugis ng mga aw­toridad ang driver ng isang puting pickup truck matapos nitong pagbabarilin ang mga sakay ng isang kotse na nakaalitan nito sa daan na ikinasugat ng isang overseas Filipino worker (OFW) kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang paa at kanang hita ang biktimang si Kimrana Ha­midul, 38, isang OFW ng Zamboanga City.

Batay sa report ng Quezon City Police Dis­trict (QCPD), dakong alas-6 ng gabi nang magpang-abot ang kotseng sinasakyan ng biktima at pickup truck ng suspek sa harap ng Ma Mon Luk restaurant sa Quezon Avenue, Brgy. Doña Josefa.

Lumalabas na sakay ang biktima ng Toyota Vios patungo sa direk­siyon ng QC Circle ka­sama ang limang iba pa kabilang ang dalawang menor-de-edad nang ma­gulat nang bigla silang banggain ng pickup truck na Nissan Navara at natanggal ang side mirror ng kanilang sasakyan.

Sa halip na huminto­, umarangkada pa rin ang driver ng pickup truck kaya hinabol ito ng mga biktima. Sa tapat ng naturang restaurant inabutan ng mga biktima ang suspek at iniharang ang kanilang sasakyan sa pickup truck.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng ilang beses ang sasakyan ng mga bik­tima at nahagip ng mga bala si Hamidul.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungong Araneta Ave.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with