^

Metro

Decongestion ng mga piitan, tuluy-tuloy — BJMP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Decongestion ng mga piitan, tuluy-tuloy � BJMP
This file photo shows Persons Deprived of Liberty under the Bureau of Jail Management and Penology custody.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang decongestion ng mga piitan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito naman ang tiniyak ni BJMP Director Rue Rivera sa ginanap na press briefing kasabay ng paglalahad ng ilang accomplishments ng kawanihan.

Ayon kay Rivera, isa sa kanilang paraan ng decongestion ay ang pag-expedite ng mga kaso partikular ang mga sangkot sa petty crimes.

Kadalasang tumatagal sa mga city at municipal jails ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) dahil na rin sa pagkakabinbin ng kanilang kaso  sa korte.

Bunsod ito aniya ng kawalan ng nag-aasikaso o tumutulong sa mga PDL na sangkot sa light offense.

Aniya, nakatutok na ngayon ang kanilang mga paralegal na tutulong sa mga papel at dokumeto ng kaso ng mga PDL.

Nabatid kay Rivera na pawang mga estudyante ng law ang miyembro ng paralegal na nagrerekomenda para sa agarang pagpapalaya sa mga PDL.

Kaugnay nito, sinabi ni Rivera na malaki ang kanyang pasasalamat sa Quezon City government sa bagong QC Jail kung saan maginhawa ang mga PDL at walang siksikan.

Paliwanag ni Rivera kailangan na maayos ang pasilidad ng mga PDL upang maiwasan ang sakit tulad ng skin allergy at asthma.

Subalit sa tulong at pag-aasikaso ng paralegal, ma­aaring agad na mapalaya o madismis ang kaso laban sa isang  PDL.

Samantala, inulat din ni Rivera na may 2,000 bagong recruit ang BJMP upang matiyak na may sapat na escort  ang mga preso sa pagdalo sa hearing at anumang emergency cases.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with