^

Metro

Higit 300 miyembro ng LGBTQIA+ nag-graduate sa Que­zon City suot ang kanilang gender-affirming attire

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 300 miyembro ng LGBTQIA+ nag-graduate sa Que­zon City suot ang kanilang gender-affirming attire
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang graduation ceremony ng mga miyembro ng LGBTQIA PLUS community na gina­nap sa Quezon City Memorial Circle kung saan malayang ipinakita ng mga ito ang kanilang pananamit sa selebrasyon ng Pride Month.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Rumampa na sa kanilang graduation rites ceremony ang may 394 miyembro ng LGBTQIA+ community sa isang espesyal na aktibidad sa QCX Museum kahapon.

Sa graduation rites na ito ay nabigyan ang mga gradutes nang pagkakataon na magbihis at mag-ayos ng naaayon sa kanilang kagustuhan at ang pangalan na nakalagay sa diploma na kanilang natanggap ay kung anong gusto nilang ilagay dito.

Ibinahagi ni Kaladkaren ang kanyang mga karanasan noong siya ay estudyante at kung paano siya nangarap. Siya ang pinakaunang transwoman anchor sa bansa.,

Sa okasyong ito, na­ging panauhing panda­ngal sina Mayor Joy Bel­monte  kasama sina Councilors Aly Medalla at Eli Juan gayundin sina Dr. Heidi Ferrer ng QC Schools Division, District 1 - 6 Action Officers, at mga kinatawan ng departamento ng QC LGU.

“Graduation rites are everyone’s rights, regardless of expression. In Que­zon City, you have the right to express your truth, no matter your SOGIE,” sabi ni QC Mayor Joy Belmonte.

Ang “Graduation Rights: March with Pride in QC” ay isang espesyal na aktibidad para ipagdiwang ang ika-85 taong anibersaryo ng QC.

Ang mga nagsipag graduate na mag-aaral na bahagi ng LGBTQIA+ community ay mga hindi napayagan na magmartsa kung hindi isusuot ang dress code ng paaralan kahit na may utos ang Department of Education na ipatupad ang “gender-responsive basic education policy” sa lahat ng paaralan.

vuukle comment

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with