^

Metro

4 na ‘tulak’ huli sa anti illegal drugs operation sa Malabon, Caloocan at Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na notoryus na ‘tulak’ ang himas rehas ngayon sa isinagawang anti illegal drugs operation ng mga tauhan ng Northern Police District at Quezon City.

Sa Malabon City Police sa pamumuno ni PCol. Jay Baybayan, nadakip dakong alas-4 ng madaling araw sina alyas Dekdek, 41 at alyas Rex sa at M.H. Del Pilar Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.

Nakuha sa mga ito sa buy-bust operation ang nasa P105,000 halaga ng shabu.

Sa report naman ni Caloocan City PCol. Paul Jady Dadang Doles, nakumpiska kay alyas Cecil, 39 ang P74,800 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy 118, Caloocan nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Doles, beripikado ang impormasyon laban sa suspek kaya agad ikinasa ang police operation na nagresulta ng pagkakadakip nito.

Samantala, ikinatuwa naman ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Redrico A Maranan ang pagkakasabat ng kanyang mga tauhan ng nasa P136,000 halaga ng shabu mula sa tulak na si Marvin Libo-on, 44, residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ikinasa ang buy-bust operation dakong ika-3:20 ng hapon, nitong Martes sa No. 44 Don Sergio St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City matapos ipagbigay-alam ng isang confidential informant ang kanyang iligal na gawain.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P500.00 ha­laga ng shabu sa suspek, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with