Quezon City mananatiling safe place sa LGBTQIA+ - Mayor Joy
MANILA, Philippines — Mananatiling safe place ang Quezon City para sa LGBTQIA+ community.
Ito ang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte kaugnay ng ginawang paglulunsad ng Love Laban 2 Laban sa Karapatan na bahagi ng selebrasyon ng lokal na pamahalaan kaugnay ng Pride Month ngayong Hunyo.
Sinabi ni Mayor Belmonte na ang aktibidad ay isang pagpupugay at galing ng LGBTQIA+ community at para wakasan ang mga pang-aabuso at diskriminasyon sa naturang hanay.
“Ang QC ang matagal nang tahanan para sa pantay-pantay na pagbibigay ng protection sa LGBTQIA+. Dito protected sila at mananatiling safe space para sa LGBTQIA+ “ sabi ni Mayor Belmonte.
Binigyang diin ni Mayor Belmonte na mula 2014 ay nagsimula na ang QC LGU na bigyan ng patas na pagkilala at pangangalaga ang LGBTQIA+ community bukod sa ordinansa na nangangalaga sa naturang komunidad. Noong nagdaang taon, kinilala rin ang QC sa buong bansa at sa Asya na nanngungunang LGU na nagbibigay protection sa LGBTQIA + kung saan umabot sa 110,000 ang nakiisa sa Pride March event. Sa sabado, June 22 ay isasagawa ang pinakamasaya at pinakamalaking Pride March sa QC hall Rise Garden ngayong taon para LGBTQIA+ community.
- Latest