^

Metro

Binata pinagbabaril sa Tondo, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang binata nang pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin sa Tondo, Manila kahapon ng madaling araw.

Dead-on-thespot ang biktimang nakilalang si Lenard Musa, 20, ng Valderama St., Binondo dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakatakas naman ang mga salarin, na inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan.

Lumilitaw sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na dakong alas-4:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Delpan bridge, sa Tondo.

Ayon sa ilang testigo, kasalukuyan silang nasa lugar nang makarinig ng ilang putok ng baril mula sa Delpan Bridge.

Nakita pa umano nila ang isang pulang kotse na mabilis na humarurot palayo sa lugar.

Nang puntahan ang pinanggalingan ng putok, dito na nila nakita ang bangkay ng biktima kaya’t kaagad nang inireport sa mga awtoridad.

Narekober ng mga pulis mula sa crime scene ang 9 na fired cartridge cases at dalawang deformed bullets.

Nagsasagawa pa masusing imbestigasyon ang pulisya upang makilala at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with