^

Metro

DOH: Tawa-tawa, bayabas at siling labuyo bilang gamot sa dengue, ‘di pa napapatunayan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH: Tawa-tawa, bayabas at siling labuyo bilang gamot sa dengue, �di pa napapatunayan
Sa Health Literacy Conference na isinagawa sa Subic, Olongapo City, sinabi ni Dr. Kim Patrick Tejano, medical officer IV ng DOH-Disease for Elimination and Vector-borne Diseases, hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang mga naturang mga halaman upang gamiting panlunas sa dengue.
Stock / Pixabay

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na ang mga halamang tawa-tawa, bayabas, at si­ling labuyo ay hindi pa napapatunayan bilang gamot sa sakit na dengue.

Sa Health Literacy Conference na isinagawa sa Subic, Olongapo City, sinabi ni Dr. Kim Patrick Tejano, medical officer IV ng DOH-Disease for Elimination and Vector-borne Diseases, hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang mga naturang mga halaman upang gamiting panlunas sa dengue.

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nadidiskubreng remedyo sa naturang karamdaman na nakukuha sa kagat ng lamok.

Ayon may Tejano, mayroon naman aniyang supportive treatment na avai­lable ngayon laban sa dengue.

Payo pa niya, sakaling makitaan ng sintomas ng dengue ay kaagad na magpakonsulta sa doktor.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with