^

Metro

2 lider ng Manibela kinasuhan sa illegal strike!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 lider ng Manibela kinasuhan sa illegal strike!
This photo shows the transport group Manibela staging a protest in front of the Office of the Ombudsman in Quezon City.
Manibela / Facebook

MANILA, Philippines — Muling nagsampa ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang lider ng grupong Manibela dahil sa isinagawang kilos-protesta kamakailan sa lungsod Quezon.

Sina Manibela Chairman Mario Valbuena at Regie Manlapig, presidente ng Manibela Bulacan/San Fernando, Pampanga area ay sinampahan ng patung-patong na kaso kabilang ang paglabag sa B.P.  880 (Public Assembly Act of 1985), Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandals), at Article 151 ng RPC (Resistance and Disobedience).

Nagsagawa ng transport strike nitong Hunyo 10-12 ang grupong Manibela sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) phase-out sa ilalim ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Dahil sa kilos-protesta ng naturang transport group, nagdulot ito ng matinding abala sa publiko at mga motorista dahil sa umano’y mga ­pa­nghaharang na ginawa sa Commonwealth ­Avenue, East Avenue, at Quezon Avenue. Wala rin silang maipakitang permit to rally mula sa pamahalaang lungsod.

Ilang miyembro rin ng Manibela ang itinuturong sumuntok at nanakit sa DZRH reporter na si Val Gonzales habang nagkokober lang sa lugar at nagbabalita ng kilos protesta.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with