^

Metro

126 PDLs lalaya ngayong Araw ng Kalayaan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 126 persons deprived of liberty (PDLs) ang makakaranas ng tunay na kahulugan ng Araw ng Kalayaan sa pagsasagawa ng Bureau of Corrections (BuCor) ng “culminating activity” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kagawaran sa ika-126 Indepen­dence Day ng Pilipinas ngayong Miyerkules.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ang bureau ay naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil ang San Ramon Prison sa Zamboanga ay itinatag noong Agosto 21, 1870 sa pamamagitan ng Royal Decree na ipinahayag noong 1869 upang makulong ang mga rebeldeng Muslim at mga presong pulitikal na tutol sa pamumuno ng Kastila habang ang Iwahig Penal Colony na dating Luhit Penal settlement ay itinatag noong Nob. 16, 1904 upang makulong ang mga Pilipinong lumalaban sa Kolonyalismong Amerikano habang ang New Bilibid Prison (NBP) ay nilikha noong 1935 upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga committals sa lumang bilangguan sa Maynila.

Nabatid na ang 126 PDL na lalaya ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City-11, CIW sa Mindanao - 5, Davao Prison and Penal Farm- 22, Iwahig Prison and Penal Farm -1, Leyte Regional Prison - 8, New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Camp - 34, NBP Medium Ssecurity Camp - 18 , NBP Minimum Security Camp - 6, NBP Reception and Diagnostic Center - 3 , Sablayan Prison and Penal Farm - 8 at San Ramon Prison and Penal Farm - 10.

Sa nasabing bilang, 31 ang pinalaya dahil sa acquittal, isa para sa conditional pardon, 72 para sa expiration of maximum sentence, anim ang nabigyan ng probation, at 16 ang nabigyan ng parole.

Nabatid na ang mga PDLs na napalaya ay umabot sa 14,324 sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kabilang ang 592 na PDL na lumaya noong nakaraang buwan.

Bukod sa culminating activity, sinabi ni Catapang na bibigyan ng promosyon ang 95 nilang tauhan bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na bigyan ng gantimpala ang mga tauhan na na­ging mahusay sa kanilang trabaho at patuloy na maging asset ng ahensya.

PDLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with