^

Metro

Cash aid sa solo parents sa Manila, ilalabas na sa Hunyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Cash aid sa solo parents sa Manila, ilalabas na sa Hunyo
This undated file photo shows one thousand peso bills.
The STAR/Walter Bollozos/File Photo

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil nakatakda nang ilabas ng Manila City Go­vernment sa darating na Hunyo ang panibagong payout ng monthly cash aid para sa solo parents sa lungsod.

Kaugnay nito, nilinaw ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang mga solo parents na mayroon nang bagong asawa ay hindi na kuwalipikado upang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaang lungsod.

Umapela rin ang alkalde sa mga punong barangay na tulungan silang ipaliwanag sa kanilang mga constituents kung sinu-sino lamang ang itinuturing na solo parents at kuwalipikado sa ayuda.

Kasunod na rin ito ng ulat ni Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso kay Lacuna, na may ilang residente na nagsasabing sila ay solo parents upang makakuha ng monetary assistance mula sa lokal na pamahalaan, kahit batid nilang hindi na sila kuwalipikado dito.

Ayon kay Lacuna, maituturing lamang na solo parents ang isang residente kung siya ay mag-isa lamang o walang katuwang sa pag-aalaga ng kanyang menor-de-edad na anak. Sa sandali umanong mag-asawa itong muli o magkaroon ng bagong kinakasama, ay hindi na siya maituturing pang solo parent.

vuukle comment

MANILA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with