NCRPO, naghahanda na sa SONA ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paglalatag ng security measures para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa Talk to the Press ni NCRPO Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi nito na nakikipagpulong na sila sa mga organizer gayundin sa mga stakeholders para sa maayos na SONA 2024.
Sa ngayon aniya, wala pa silang namomonitor ng anumang security threat kaugnay sa SONA ng Pangulong Marcos.
Gayunman, tuloy-tuloy aniya ang pagbabantay ng NCRPO sa iba’t ibang threat group kasama na ang mga makakaliwang grupo na kadalasang nagkikilos protesta.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Nartatez na may detalyadong plano na ang NCRPO para sa darating na SONA.
Kasama rito ang pagdedeploy ng nasa higit 22,000 tauhan ng NCRPO para magbantay sa seguridad lalo na sa Batasan Pambansa.
Maging ang mga augmentation ng mga pulis ay kanila na ring kinokonsidera lalo na para sa mga raliyista.
- Latest