^

Metro

Miyembro ng ‘spaghetti gang’, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang isang dayong miyembro ng  ‘Spaghetti Gang’  matapos na maaktuhang pinuputol ang kawad ng telepono na nag­resulta sa pagkawala ng  koneksiyon at serbisyo sa ilang lugar kahapon ng  madaling  araw sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si  alyas Bert, 40, ng Corregidor St. Brgy 203, Zone 18, Tondo, Manila.

Batay sa report nina PSSg. Bengie Nalogoc at PCpl Rocky Pagindas kay Malabon police chief PCol. Jay Baybayan, nagpapatrolya ang mga tanod na sina Jason Edora at Edgardo Velasco, Barangay Potrero, nang matiyempuhan nila ang suspek habang nagpuputol ng kawad ng telepono   dakong alas-12:30 ng mada­ling araw sa McArthur Highway.

Sinita ng mga tanod ang  suspek subalit nagpakilala pa itong lineman ng isang te­lecom company.

Itinanggi na rin ng kompanya na em­pleyado nila ang nadakip na suspect.

Nakuha sa suspek ang ginagamit niyang dalawang metal na lagari at mga putol na malalaking kawad ng telepono na nagkakahalaga ng P9,567.99.

Ang mga nakuhang ebidensiya ay gagamitin ng pulisya sa pagsasampa ng kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A. 10515 o ang “Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act sa piskalya ng Malabon City. 

vuukle comment

JAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with