Antas ng tubig sa Marikina River, itinaas sa unang alarma
MANILA, Philippines — Itinaas sa unang alarma ang antas ng tubig sa Marikina River, kahapon.
Ito’y bunsod na rin ng nararanasang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan, na hatid ng habagat na pinalakas na tatlong tropical cyclones.
Batay sa abiso ng Marikina City Government, na pinamumunuan ni Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nabatid na hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon ay umabot na sa 15.8 metro ang water level ng ilog.
Unang itinaas sa unang alarma ang antas ng tubig sa ilog dakong alas- 5:35 ng madaling araw nang umabot ito sa 15.0 metro.
Mahigpit naman ang monitoring ng mga awtoridad upang matukoy kung magpapatuloy pa ang pagtaas ng tubig.
Layunin nitong kaagad na maabisuhan ang mga residente, sakaling kakailanganin na ng mga ito na lumikas mula sa kanilang mga tahanan at magtungo sa mas ligtas na lugar.
- Latest