'Kunwari chocolate, ketamine pala': Lalaki huli sa P2.12-M halaga ng droga
MANILA, Philippines — Arestado sa Pasig City ang isang 23-anyos na lalaki matapos i-claim ang nasa P2,120,000 halaga ng iligal na droga noong nakaraang ika-18 ng Mayo.
Pinaghinalaan kasi bilang "suspiscious" ng x-ray inspection project (XIP) personnel ang isang shipment na idineklarang tsokolate, ayon sa Bureau of Customs ngayong Miyerkules, dahilan para ipaamoy ito sa K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Agad tuloy isinailalim sa physical examination ang shipment para madiskubre ang isang glass container na puno ng white crystalline substances na itinago sa loob ng glass Imperial Rose Scented Candle.
Nakumpirma ng chemical laboratory analysis ng PDEA ang mga samples bilang ketamine, isang iligal na droga sa ilalim ng Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
"We commend the vigilance of our Customs Examiners, XIP, CAIDTF, CIIS, and we also recognize the support of PDEA in our illegal drug apprehensions," ani District Collector Elvira Cruz.
"The series of drug seizures at the Port of Clark proves our full commitment to the priority program of Commissioner Bienvenido Rubio to curb smuggling."
Agad namang naglabas ng warrant of seizure and detention dahil sa shipment matapos makakita ng probable cause sa paglabag ng Section 118(g), 119(d), and 1113 par.(f), (I), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act kaugnay ng RA 9165.
Matapos nito, nagkasa ang mga elemento ng BOC-Port of Clark at PDEA ng joint controlled delivery sa address ng importer sa Pasig City, dahilan para maaresto ang isang 23-anyos na lalaki. Isa pang male claimant ang hindi pa rin nahuhuli sa ngayon.
Maliban sa BOC-Port of Clark at PDEA, tumulong din ang mga kawani ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force sa pag-aresto.
"This is another successful drug bust that shows our consistent effort in preventing smuggling in all forms. Rest assured that the Bureau of Customs is further strengthening its enforcement and intelligence capabilities to protect our borders," sabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. — James Relativo
- Latest