Poverty reduction program inilunsad ni Quezon City 2nd district Councilor Belmonte
MANILA, Philippines — Bilang pagtugon sa adhikain ng pamahalaang nasyunal at maging ng Quezon City government na mabawasan ang kahirapan kung kaya inilunsad ni QC Second District Councilor Mikey Belmonte, ang kanyang flagship program na “Buhay at Bahay: Urban Poor and Human Settlement Service Caravan 2023”.
Sa kanyang pagsasalita sa ginanap na launching ng programa sa Commonwealth High School sa Brgy. Commonwealth kahapon, binanggit nito na bagama’t ang kahirapan ay itinuturing na komplikado, na nangangailangan naman ng mga pamamaraan na dapat masimulan para ito malabanan. Dito kailangan ang pakikipagkaisa ng national agencies at pribadong sektor.
“With a whole of nation approach in battling poverty, we have better and more sustainable chances of really making a difference in the lives of our QCitizens,” dagdag pa nito.
Naging tampok sa paglulunsad ng programa ang pagpirma sa Memorandum of Understanding sa pagitan ni Councilor Belmonte, matataas na opisyal ng iba’t ibang government agencies, private entities at representatives ng homeowners associations (HOAs) sa lungsod.
Sa ilalim ng MOU, ang tanggapan ni Councilor Mikey ang siyang magsasagawa ng overall coordination at implementasyon sa ‘Buhay at Bahay Caravan’, habang ang partner nitong mga ahensya at mga pribadong kompanya ang magkakaloob ng kaukulang interbensyon partikular sa sektor ng urban poor communities, katulad ng HOAs, students at teachers, senior citizens, informal settler families at persons with disabilities at iba pa.
Sinabi pa ng Konsehal na layon ng programa na pababain ang poverty rate sa lungsod na magiging tulay sa pagitan ng urban poor communities at ng mga mahahalagang ahensya ng gobyerno kasama rin ang pribadong sektor.
Kabilang sa government signatories sa MOU ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Social Housing Finance Corporation (SHFC), Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, Cooperative Development Authority (CDA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Habang ang signatories naman sa pribadong sektor ay ang PLDT - SMART Foundation, Smart Communications, Inc., Manila Electric Company (MERALCO), One Meralco Foundation (OMF), Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad), Metro Pacific Health Tech Corporation (MPHTC), and Premier 101 Healthcare Management Inc. (Premier 101).
“On the part of the DHSUD, we will offer not just housing [units] but what we call decent ‘human settlements’,” ayon naman kay DHSUD secretary Jose Rizalino Acuzar.
Dumalo rin sa nasabing paglulunsad ng programa sina QC Vice Mayor Gian Sotto at dating House Speaker at QC mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte na todo suporta sa kanyang apo na si Councilor Belmonte.
- Latest