NMIS sa publiko: Bibilhing karne, baboy suriin
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga bibilhing karne ng baka at baboy meat products na ihahanda ngayong holiday season.
Ayon sa NMIS, marami ang maghahanda ng iba’t ibang putahe ng baka at baboy ngayong Pasko kaya kailangan na ligtas ang mga ito mula sa anumang mga sakit.
Sa dagsa ng mga mamimili sa palengke, posible ring maraming supply ng baboy ang ibenta.
Sinabi ng NMIS, dapat isaalang-alang ang mataas na pamantayan ng kaligtasan at kalidad sa pagbili ng karne.
Kailangang pumasa sa inspeksyon ang karne upang matiyak na ligtas sa human consumption.
Dapat ding malaman ng mamimili kung nagmula ito sa isang accredited meat stablishment ng NMIS.
Mahalaga umano ang wastong hygienic handling upang maiwasan ang kontaminasyon.
Halimbawa nito ang pagsasakay sa mga accredited vehicle upang mapanatili ang tamang temperatura at kaligtasan.
Payo pa ng NMIS na tiyaking ligtas, sariwa, at walang mga nakakapinsalang pathogen ang karne na ihahain ngayong Kapaskuhan.
- Latest