^

PSN Opinyon

Ano ang magiging kapalaran ni PBBM?

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Sa ngayon, tatlo na ang impeachment complaint na isinampa sa Mababang Kapulungan laban kay VP Sara Duterte, kahit nanawagan na si Presidente Bongbong Marcos sa mga representante na huwag nang ituloy ito.

Medyo gahol na sa panahon dahil matatapos na ang taon at ang 2025 ay election season na at magiging abala ang mga mambabatas sa pangangampanya. Pero kung nais ituloy ang impeachment ay puwede naman.

Ang kaso, sa Senado ay alam nating maraming sympathizers ang mga Duterte.

Sa proseso ng impeachment, ang Mababang Kapulu­ngan ang magsisilbing prosecutor samantalang ang Se­nado ang hukumang maghuhusga kung nagkasala si Sara o hindi.

Sa panahong ito ng halalan, marami ang magdada­lawang loob kung hahatulang nagkasala si Sara dahil po­sibleng mawalan sila ng boto mula sa kampo ng mga Du­terte. Posible iyan dahil ang impeachment ay isang political exercise.

Batid ni Marcos ang ganyang posibilidad kaya ayaw niyang ituloy ang impeachment. Kasi kapag napawalang sala si Sara, babaliktad ang sitwasyon at si Marcos ang lilitaw na kontrabida.

Posibleng magkaroon ng people’s power revolution laban sa kanya o siya naman ang kasuhan ng impeachment.

Peligroso ang sitwasyon ni Marcos kaya para sa akin, huwag na lang sana matuloy ang impeachment kay Sara.

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with