Konsi Mikey Belmonte at MVP Group of Companies, inilunsad ang ‘teleconsulting’
MANILA, Philippines — Magkatuwang na inilunsad nina Quezon City District 2 Councilor Mikey Belmonte at ng MVP Group of Companies, partikular ang Mwell and Premiere 101 ang ‘Mwell Medical para sa Barangay: Medical, Dental at Optical Mission’ .
Kasabay nito ay pinasinayaan na rin ang “Mwell Teleconsultation Booth” na tutulong para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente dito.
Ang proyekto ay laan sa urban poor communities, partikular sa Brgy. Batasan Hills at Brgy. Bagong Silangan, sa lungsod.
“Quezon City Government has gone through great lengths to address the health concerns of QCitizens, and we recognize that having the private sector alongside us, especially in our fight to best manage the pandemic, and to fully adapt to the “new normal” has truly been a blessing. This continuing partnership with Mwell, Premiere 101 and of course Metro Pacific Investments Corporation, is a testament to our commitment to help our QCitizens.” pahayag ni Councilor Belmonte.
Ang teleconsultation booths ay bukas sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-9 ng umaga hanggang alas -12 ng tanghali at mula ala- 1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon sa Brgy. Batasan Hills, habang ang laboratory tests ay available tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Ang naturang booths ay isang technology-based health care related services ay madaling puntahan ng mga QCitizens, kung saan makakasiguro ang mga pasyente sa outpatient services ng Metro Pacific Health’s network of hospitals, outpatient care centers at ng mga magagaling na doktor.
- Latest