Crime rate sa bansa bumaba ng 14 percent
MANILA, Philippines — Bumaba ng nasa 14 porsiyento ang crime rate sa bansa.
Base sa data buhat sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nasa 9,108 ang crime incidents buhat Dec. 1 to 20, na mas mababa kumpara sa 10,643 cases sa ganito ring buwan noong nakalipas na taon . Lumalabas na nasa 14.42 percent ang naitalang pagbaba.
Walong focus crtime na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape ay nagkaroon ng overall decrease na 694 o 29.79 percent, buhat sa 2,330 noong 2021 sa 1,636 sa taong ito.
Kapansin-pansin ang pagbaba sa mga insidente ng nakawan buhat sa 710 sa 609, 14.22 percent na pagbaba, rape bumaba sa 53.79 percent buhat sa bilang na 567 sa 262, at physcial injury buhat sa 331 sa 211, kung saan may pagbaba ito sa 36.25 percent.
Naniniwala ang PNP chief na ang pagbaba sa krimen ay may malaking kinalaman sa matindi at pinalakas na deployment ng pulisya partikular ngayong holiday season.
“Pagtulung tulungan na lang natin ito na huwag tayo maging biktima ng krimen,” dagdag pa ni Azurin..
Sa huli binanggit pa nito na maging ang crime solution efficiency ay nag-improve rin buhat sa 78.54 percent sa 82.47 percent.
- Latest