Koreano, patay sa pamamaril sa Maynila
MANILA, Philippines — Isang Koreano ang nasawi makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa may Roxas Boulevard sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Lee Sung Hoon, 45-taong gulang, nakatira sa Unit 808 Sunset View Building, Roxas Boulevard, Pasay City.
Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, dakong alas-4:30 nang maganap ang krimen sa service Road ng Roxas Boulevard ng naturang siyudad.
Ayon sa security guard na si Jeffrey Tendero, naka-duty siya sa binabantayan na gusali nang makarinig ng putok ng baril dahilan para puntahan niya ang pinanggalingan nito. Dito niya naabutan na nakataob sa kalsada ang isang lalaki na duguan.
Agad na dinala ang biktima sa San Juan De Dios Hospital ngunit idineklara na siya na dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa likuran.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa krimen kung saan inaalam kung may mga CCTV sa lugar na maaaring masuri sa pag-asang nahagip ng kamera ang pangyayari at makilala ang salarin.
- Latest