^

Metro

Biazon, nadismaya sa evacuees

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Blackboard sa iskul winasak, basura tambak

MANILA, Philippines — Ikinadismaya ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang ginawang pagwasak sa mga blackboard at matin­ding pagkakalat na iniwan ng mga evacuees sa isang pampublikong eskwelahan sa lungsod na ginawang evacuation center sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong  Paeng noong nakalipas na linggo.

“Hindi dahilan ang kahirapan para mawalan ng disiplina, malasakit sa kapwa, respeto sa pampublikong gamit at pasilidad, at kabutihang asal, sa post ni Mayor Biazon sa  Facebook.

Makikita sa mga ipinost na larawan ang wasak-wasak na blackboard at hagdanan na tadtad ng mga basura.

“Lungkot o galit…hindi ko alam ang nangingibabaw sa nararamdaman ko, ani Biazon.

Hindi naman aniya, siya nagpabaya dahil ipinakiusap niya sa Division Office ng Department of Education (DepEd) na magamit ang paaralan at binisita pa niya ang kalagayan ng mga evacuees sa mismong panahon ng bagyo.

“Ngunit ano ang na­ging kapalit nito? Ang pagsira ng mga pasilidad at walang pakialam na iniwang nakakalat ang basura sa paaralan. Bakit ganyan ang nangyari? Bakit parang walang malasakit sa kagamitang pampubliko ang mga taong binigyan ng kalinga sa harap ng kalamidad?,” hinanakit ng alkalde.

“Galit ako sa mga gumawa nito at sa mga responsable sa pangyayaring ito. Titiyakin kong may mananagot dito.

RUFFY BIAZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with