Higit P2.3 milyong illegal drugs nasabat sa 3 ‘tulak’
MANILA, Philippines — Umaabot higit P2.3 milyong illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations kamakalawa.
Sa Quezon City, sinabi ni QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr., na batay sa report nadakip ng mga operatiba ng Batasan Police Station 6 sa pamumuno ni PLtCol. Romel Avenido si alyas Lemuel, 29, ng Pasay City na nakuhanan ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000 at 140 gramo ng high grade marijuana kush na may halagang P168,000 Martes ng gabi sa buy-bust operation sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
Isang pulis ang nagsilbing buyer ng illegal drugs sa halagang P48,000 hanggang dakpin ang suspek.
Dinakma naman ng mga tauhan ni PLtCol. Rolando Baula ng QCPD Police Station 13 Lunes ng gabi sa Blusan corner Banahaw Sts, Q.C. sina alyas Jomar, 42 at alyas Rafael, 41, kapwa residente ng Payatas B, QC.
Nabatid na isang concern citiizen ang tumawag sa pulisya at itinuro ang pagbebenta ng droga ng mga suspek. Agad na kumilos ang mga pulis at ikinasa ang buy-bust operation.
Nakuha sa dalawa ang shabu na may halagang P 122,400, .38 caliber revolver loaded at buy-bust money.
Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.
- Latest