^

Metro

Incumbent NCR mayors nangunguna sa 2022 elections survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Incumbent NCR mayors nangunguna sa 2022 elections survey
In this July 25, 2019 photo, some Metro Manila mayors and officials of the Metro Manila Development Authority and Department of Interior and Local Government meet ahead of the Metro Manila Council meeting.
Manila PIO / Released

MANILA, Philippines — Nanguna sa National Capital Region (NCR) Voters Preference for 2022 sa mga tatakbong alkalde sa Metro Manila ang halos lahat ng incumbent mayors sa Metro Manila.

Sa Quezon City ay nananatiling preferred choice ng mga botante sa 60% sa karera para sa 2022 Mayoralty bout si Mayor Joy Belmonte laban sa contender nitong si Mike Defensor na may 35% rating. Mataas ang tiwala at kumpiyansa ng mga botante sa pamumuno at sigasig ni ­Belmonte sa direkta nitong pakikipag-ugnayan sa mga programa sa mga nasasakupan nito.

Samantala si Mayor Toby Tiangco (80%) ng Navotas City na tumatakbo para sa pagka- kongresista at ang kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco (75%) na naglalayong maging alkalde ay ang favored choice laban sa mag- amang Gardy Cruz (10%) at RC Cruz (13%). Ang mga Navoteño ay nasisiyahan sa track record at performance ng mga Tiangco at gusto nila ang pagpapatuloy ng mga proyekto at programa.

Si Cong. Along Mala­pitan ay pinaboran sa Caloocan City na may 70% voters rating laban kay Cong. Egay Erice na tatakbong alkalde na may 25% score.

Habang si incumbent Caloocan Mayor Oca Malapitan ay nakatitiyak sa kanyang dating puwesto sa Kamara sa pagtakbong kongresista.

Binanggit ng mga botante na naniniwala pa rin sila na ang mga Malapitan ang pinaka karapat-dapat na kandidato para sa mabilis na paghahatid ng mga proyekto at programa tulad ng naranasan noong nakaraan.

Sa Pasig City, si Mayor Vico Sotto pa rin ang nangunguna na kandidato na may 65% na suporta ng mga botante laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na nakakuha ng 33% voters’ appraisal. Nais ng mga nasasakupan na ipagpatuloy ni Sotto ang kanyang pro-poor agenda at graft free governance sa lungsod.

Si Mayor Marcy Teodoro na may 42% ay nasa mahigpit na laban kay Cong. Bayani Fernando na nakatanggap ng 40% voters support sa Marikina City. Dating Mayor Lani Cayetano ay nakakuha ng 62% laban kay dating Cong. Arnel Cerafica na nakatanggap ng 33% vote count sa karera para sa pagka-Alkalde sa Taguig City.

Samantala, sina Ma­yor Abby Binay ng Makati City, Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Vice Mayor Honey Lacuna ng Manila City, dating Mayor Benjamin Abalos Sr. ng Mandaluyong City, Rep. Weslie Gatcha­lian ng Valenzuela City, Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas City ay hindi mapag-aalinlanganang front-runner para sa 2022 mayoralty race at walang kinakaharap na serious challenge.

Ang non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay may 10,000 face-to-face respondents sa NCR na isinagawa noong October 17- 26, 2021, saad ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

ELECTION

MAYORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with