Convicted high-profile inmate na si Raymond Dominguez, natagpuang patay sa kubol sa Bilibid
MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang carnapping convicted inmate na si Raymond Dominguez sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon.
Isasailalim sa awtopsiya ang katawan ni Dominguez, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag upang matukoy ang sanhi ng pagkama-tay nito bagama’t naniniwa-la siyang wala silang naki-kitang foul play sa kaso.
Dakong alas-6:20 ng umaga kahapon nang madiskubre ng mga inmates sa Maximum Security Compound na hindi na gumagalaw at wala ng pulso si Dominguez sa loob ng kubol nito.
Sinabi ni Chaclag na may impormasyong napansin ang mga kasamahang preso na tulala umano si Dominguez noong nakalipas na mga araw.
May findings rin na may asthma si Dominguez bukod pa sa diabetic umano ito.
Samantala, hindi naman naniniwala ang misis nito na si May Dominguez, na natural death ang dahilan ng pagkamatay ng asawa dahil nakausap pa niya ito kamakalawa ng gabi na tila nagpapaalam na.
Dalawang beses din aniyang, tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Dominguez na nailipat pa sa Site Harry isolation area na naka-survive naman sa virus.
Nabatid na April 2012 nang hatulan ng 17-30 taong pagkabilanggo ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 84 judge Wilfredo Nieves si Dominguez sa carjacking sa Toyota Fortuner ng isang Danilo Escoto.
Bukod pa rito, ang grupo umano ni Domi-nguez ang itinuturong nasa likod ng pagpatay at panununog ng bangkay ng car dealer na si Venson Evangelista, anak ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Presidente Boy Evangelista.
- Latest