Preventive maintenance sa pumping stations iniutos
MANILA, Philippines — Nag-inspeksyon sa mga pumping station si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos upang matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga ito kahit hindi pa man sumasapit ang tag-ulan.
Sa pagbisita ng alkalde sa Libertad Pumping Station sa Pasay, iniutos niya kay Baltazar Melgar, Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) head, na magsagawa na ng preventive maintenance works sa lahat ng flood control facilities at tiyakin na may sapat na diesel para sa operasyon.
“Pumping stations are very vital in addressing the flooding woes. Ensuring that they are operating at their full capacity will mitigate the perennial effects of flooding,” ani Abalos.
Iniutos niya rin na kailangang regular ang paglilinis sa pumping station at esteros upang makatiyak na smooth ang operasyon ng mga eto lalo na kung may malalakas na buhos ng ulan.
Nabatid na pinatatakbo ng MMDA ang 64 pumping stations sa mga strategic locations sa Metro Manila.
Kasabay nito, umapela na rin si Abalos sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura upang hindi bumara sa mga daanan ng tubig na nagbabara at nahihigop naman ng mga pumping stations.
- Latest