Daan-daang piraso ng Chinese medicine, nasamsam
MANILA, Philippines — Apat na kilo o daan-daang piraso ng tableta ng misdeclared Chinese medicine galing sa Taiwan na walang Food and Drugs Administration (FDA) clearance ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).
Ang epektos ay ipinadala sa pamamagitan ng air cargo sa isa sa mga NAIA warehouse at idineklara lamang mga plastic boxes na may halagang US$15.00 sa kabuuan at naka-consigned sa isang tao na may address sa Tondo, Manila.
Iniutos ni NAIA - BOC district Collector Mimel Talusan na kumpiskahin ang mga nasabing epektos.
Samantala, nakahanda na rin ang mga tauhan ng Bureau of Immigration personnel sa NAIA kaugnay ng pagtatapos ng suspensyon ng international flights sa linggo.
Sa ngayon ay nasa skeletal deployment ang BI-NAIA dahil sa pag-assist kaugnay ng flights na hindi sakop ng suspensyon.
Bukod sa pagsasagawa ng immigration inspection at boarding formalities para sa international passengers, pino-proseso rin ng immigration officers ang mga piloto at crew ng cargo, maintenance at utility flights na hindi sakop ng suspensyon.
- Latest