^

Metro

Pasaway na riders na may angkas huliin – DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasaway na riders na may angkas huliin – DOTr
Ayon sa DOTr, hindi nila pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo sa buong Luzon, sa buong panahon ng lockdown, bilang bahagi ng ipinatutupad nilang social distancing.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Huliin ang mga pasaway sa motorcycle riders na may angkas, ito ang iniutos ng pamunuan ng Department of Transportatiom (DOTr) sa Philippine National Police.

Ayon sa DOTr, hindi nila pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo sa buong Luzon, sa buong panahon ng lockdown, bilang bahagi ng ipinatutupad nilang social distancing.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, ang naturang ban sa backride sa buong Luzon ay epektibo noon pang Marso 16, kung kailan sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa Luzon, upang masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nauna rito, ilang riders ang hinuhuli ng mga traffic enfor­cers dahil sa pag-aangkas, na labag sa social distancing at sa panuntunan na isang miyembro lamang ng pamilya ang pinapayagang lumabas ng bahay.

Ayon kay Libiran, ang lahat ay dapat na sumunod sa mga panuntunan sa quarantine lalo na kung sila ay nasa labas ng kanilang tahanan o nasa kalsada.

“When you’re inside your own home, you’re free to do whatever you want or follow your own rules,” aniya.

“But if you’re outside, especially when you’re on roads and public places, you have to toe the regulations and policies set by the government to uphold order and uniformity,” paalala pa niya.

ANGKAS

DOTR

MOTORCYCLE RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with