^

Metro

Ex-model ng men’s magazine, timbog sa shabu at ecstasy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex-model ng men’s magazine, timbog sa shabu at ecstasy
Ang nadakip na dating modelo ng men’s magazine na si Charlene “Cindy” Mecayer (inset), 24, na nahulihan ng shabu at ecstasy sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Timbog sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang dating model ng men’s magazine na nakuhanan ng shabu at ecstasy sa isang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA officer-in-charge Gregorio Pimentel ang suspek na si Charlene “Cindy” Mecayer, 24, ng Greenwood Executive Village, Brgy. Sta. Ana, Taytay Rizal.

Ayon sa PDEA, matagal nilang isinailalim sa surveillance operation ang model at nang makakuha ng positibong impormasyon at magandang pagkakataon ay isinagawa nila ang buy -bust operation dakong alas-5:00 ng hapon kama­kalawa.

Nakuha ng mga PDEA mula kay Mecayer ang tinatayang P68,000 na halaga ng droga, tatlong piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P4,500 buy-bust money at 9 na piraso ng tooter at iba pang drug paraphernalia.

Itinatanggi naman ng suspek na kanya ang mga nakuhang ebidensiya ng mga awtoridad at sinabing hindi siya drug pusher.

 Sa ngayon ay nakakulong na ang dating model sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

CINDY MECAYER

ECTASY

EX-MODEL

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with