^

Metro

7 illegal recruiter, tiklo sa entrapment

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang pitong illegal recruiter na nanloko sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho bilang waitress sa Singapore.

Ayon kay MPD SMaRT chief Major Rosalino Ibay, prostitusyon ang papasukin ng mga biktima ng APP Worldwide Recruitment Services na may opisina sa Malate, Maynila.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang MPD SMaRT laban sa illegal recruitment company noong Biyernes, Nobyembre 15, matapos magsumbong sa Office of the Mayor ang mahigit 20 nilang aplikante.

Kinilala ng MPD SMaRT ang mga nadakip na suspek na sina Ruben Samonte (general manager), Evelyn Samonte (marketing manager), Agnes Almoguera (clinic staff), Jocelyn Tolentino (staff), Rolando Patiag (clinic staff), Chaz Patiag (marketing staff) at Regino Tolentino (driver).

Ayon sa mga biktima, trabahong waiter at waitress ang unang inalok sa kanila ng APP Worldwide Services sa isang bar sa Singapore.

Libu-libong piso pa ang sini­ngil sa kanila para sumailalim sila ng training at medical exam sa mga center na pagmamay-ari rin ng mga illegal recruiter.

Ngunit napag-alaman ng mga aplikante ang panlilinlang nang nag-set up ng video call interview ang kompanya kasama ang magiging amo nila sa Singapore.

Sinabi ng isa sa mga biktima na sinasabihan sila ng alyas Manuel nang “Kung ‘di ka magpapagalaw, wala kang kikitain. Kung ‘di ka makikipag-sex, wala kang sasahurin”.

“Ni-require pa po nila ka­ming uminom at magpakala­sing kapag kasama raw ang mga kliyente, eh hindi po kami umiinom. Pinipilit niya po kami,” dagdag niya. Nang tumanggi na sila sa inaalok na trabaho, itinago ng kompanya ang kanilang mga passport at pinagbantaang ipapa-“blacklist” para ‘di na sila tanggapin ng ibang mga ahensya. 

Dito na nagsumbong sa Office of the Mayor ang mga biktima at nagsagawa ng entrapment operation ang MPD SMaRT. Kumpiskado mula sa mga suspek ang mga passport ng mga biktima at marked money na P100 para sa pagpapanotaryo ng affidavit.

ILLEGAL RECRUITER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with