2 ‘Akyat bahay’ todas sa shootout
MANILA, Philippines — Todas ang dalawang sinasabing miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang” makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isang Subd., sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa Urbien St., sa loob ng Jonaville Subd. Brgy. Nagkaisang Nayon, Novalichez, Quezon City.
Ayon kay P/Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, may tumawag sa kanila hinggil sa ‘suspicious-looking’ na dalawang lalaki na aali-aligid at nagmamasid sa mga tahanan sa subdibisyon.
Nang puntahan ng mga awtoridad ang lugar ay nakasalubong nila ang dalawang suspek pero nsng sitahin ay agad na nagpaputok ng baril kaya nagkaroon ng ‘running gun battle’ hanggang sila ay masukol pero sa halip na sumuko ay pinilit pa umanong manlaban na nagresulta ng kanilang kamatayan.’
- Latest