Tanggal prangkisa ibinabala ng LTFRB
Sa magtataas singil ng pasahe nang walang fare matrix
MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng driver ng pampasaherong jeep at bus na tatanggalan ng prangkisa ang pinapasada nilang sasakyan sa oras na mapatunayan na nagtaas ng pasahe ng walang updated fare matrix mula sa ahensiya.
Ayon kay LTFRB exe-cutive director Samuel Jardin, bukas na ang ahensiya ngayon upang mag-isyu ng fare matrix para sa bus at jeep.
Anya, illegal ang ope-rasyon ng passenger bus at jeep na nangongolekta ng taas pasahe ng walang fare matrix kaya’t ang mga sumusuway sa direktiba ng LTFRB ay parurusahan.
Pagmumultahin ng P5,000 ang mga pasaway na driver sa unang offense, P10,000 sa ikalawang offense at P15,000 sa ikatlong paglabag at tanggal prangkisa.
“We will start giving the matrix today because we have to await the 15-day period for the effectivity of the decision,” pahayag ni Jardin.
Oras na makapaglagay ng bagong fare matrix, ang lahat ng pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 ay maaari nang maningil ng P10 minimum pasahe.
Dagdag P1 naman ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at provincial buses.
- Latest