^

Metro

Pagpapadiskuwalipika pinalagan ng utol ni Sharon Cuneta

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pagpapadiskuwalipika pinalagan ng utol ni Sharon Cuneta
Ayon kay Chet, maaari aniya na isang taong pakawala ng kanyang makakalaban sa pagka-mayor ang posibleng kumukuwestiyon sa kanyang residency at validity ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) upang tumakbo bilang mayor ng Pasay.

MANILA, Philippines — Sumugod kahapon ang kapatid ni Mega Star Sha-ron Cuneta na si Chet Cuneta sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC)  District 1 office  matapos lumutang ang isang nagrereklamo na hindi umano siya kwalipikadong tumakbong alkalde sa  Pasay City.

Ayon kay Chet, maaari aniya na   isang taong pakawala ng  kanyang makakalaban sa pagka-mayor ang posibleng kumukuwestiyon sa kanyang residency at validity ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) upang tumakbo bilang mayor ng Pasay.

Kasamang napasugod ni Cuneta ang kanyang runningmate na si Richard Advincula sa Pasay City COMELEC office para alamin ang naturang isyu hinggil sa reklamo  sa kandidatura ni Cuneta.

Napag-alaman na dalawang election umanong hindi nakakaboto si Chet Cuneta dahil sa trabaho nito bilang piloto pero nilinaw nito na pina-activate na nila ang kanyang registration sa COMELEC sa Pasay City.

CHET CUNETA

COMMISSION ON ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with