^

Metro

209,959 tambay nalambat sa Metro Manila

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
209,959 tambay nalambat sa Metro Manila
Hanggang kahapon, 28 tao na lang ang nananati­ling nakakulong dahil ma­yorya sa kanila ay binalaan, minultahan o kinasuhan sa korte, ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Guiller­mo Eleazar.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — May kabuuan nang 209,959 tambay  sa Metro Manila ang nadakip ng pulisya mula nang ipatupad nila ang mga ordinansa ng mga lungsod sa National Capital Region.

Hanggang kahapon, 28 tao na lang ang nananati­ling nakakulong dahil ma­yorya sa kanila ay binalaan, minultahan o kinasuhan sa korte, ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Guiller­mo Eleazar.

Sinabi pa ni Eleazar na 12,687 tao ang naaresto sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar; 73,542 sa paglabag sa smoking ban; 18,718 ang walang suot na damit pang-itaas; 18,266 sa paglabag sa curfew, at 86,764 para sa paglabag sa ibang mga ordinansa.

Nangunguna ang Que­zon City Police District sa may pinakamaraming nadakip na mga tambay sa bilang na 99,040 habang pangalawa ang Eastern Police District sa bilang na 54,577.

Ang Manila Police District ay nakadampot ng 22,963 tao, ang Southern Police District ay  19,903 habang ang Northern Police District ay 13,476.

Nakapagbigay ng babala ang QCPD sa 87,180 violator; EPD, 25,976; SPD - 13,799; MPD - 11,213; at NPD- 8,231.

Nanguna sa dami ng pinagmultang violator ang EPD na nasa ilalim ni Senior Superintendent Bernabe Balba sa bilang na 28,588; SPD- 5,519; NPD- 5,245; QCPD- 322 habang wala naman sa MPD.

Sa bilang ng mga violator na kinasuhan sa korte, ang MPD sa ilalim ni Chief Superintendent Rolando Anduyan ay mayroong 11,750; pangalawa ang QCPD- 11,538; SPD- 585; EPD- 13; at NPD- zero.

BYSTANDERS

GUILLER­MO ELEAZAR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with