^

Metro

Police colonel na naaktuhang nagsa-shabu, nagpiyansa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang nakalaya ang police colonel na naaktuhang sumisinghot ng shabu matapos itong payagan ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) na makapagpiyansa kamakalawa ng hapon.

Si Police Supt. Lito Ca­­ba­mongan, 50, ay pinayagan ni Judge Lorna Domingo, ng Las Pinas City RTC, Branch 201 na makapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P240,000, kung kaya’t Bi­yernes ng hapon ay pinalaya rin ito.

Nilinaw ng korte na bailable ang kasong kinakaharap ng nasabing pulis.

Nabatid, na si Cabamo­ngan ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 12 at 15 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act) matapos itong arestuhin ng mga kagawad ng Las Piñas City Police kasama ang isang Nedy Sabdao, 44 nang maaktuhan ang mga ito na  sumisinghot ng shabu sa Block 16, Lot 14, Everlasting Homes, Brgy. Talon 4 ng naturang siyudad noong Marso 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa hepe ng Las Piñas City Police  na si Police Sr. Supt. Marion Balolong, ikukonsulta nila sa kanilang abugado ang naging hakbangin ng korte.

Si Cabamongan ay dating hepe ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, Alabang Satellite Office, Muntinlupa City.

Sinibak ito matapos  magwala sa isang mall ng hindi ito payagang manood ng sine ng libre at nang madakip ito ng kanyang mga kabaro ay nakatalaga ito sa General Ser­vices Section (GSS), ARMD, National Headquarters ng PNP.

POLICE COLONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with