^

Metro

Suspect na humoldap, nakapatay sa dayuhan, nadakip na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspect na humoldap, nakapatay sa dayuhan, nadakip na
File photo of a man in handcuffs.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga tauhan ng Makati City Police ang isa sa ri­ding in tandem na bumaril at nakapatay sa isang banyaga, sa isinagawang hot pursuit operation ng Makati City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na isinumite kay Southern Police District chief, P/Brig. General Leon Victor Rosete, naaresto ng mga tauhan ng Poblacion Sub-station ang suspek na kinilalang si alyas “Raffy”, 35-anyos, residente ng Montalban, Rizal, sa isinagawang operasyon alas-12:40 ng mada­ling araw ng Setyembre 19, sa Arsonvel Street, Barangay San Isidro, Makati City.

Si alyas Raffy at isa pang kaangkas sa motorsiklo ang di umano’y bumaril sa isang Korean national na kinilalang si alyas “Kim”, 32-anyos, at nanuluyan sa Citadel Inn, sa P Burgos St., Poblacion, Makati City, noong Setyembre 11 (Miyerkules) alas-10:22 ng gabi sa bahagi ng Kalayaan Avenue, pagitan ng San Miguel at Bel-Air Village, sa nasabing lungsod..

Una nang naiulat na isang banyaga ang binaril at napatay matapos agawan ng bag at nakita rin sa CCTV ang paglalakad mag-isa ng biktima at ang pagpalit ng puwesto ng nagmamaneho at backride bago lumapit sa biktima.

Nasamsam mula sa suspek ang isang 9mm Viper pistol na may walong bala.

Inihahanda na ang reklamong paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code (Robbery with Homicide) at Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with