^

Metro

Magbayaw, todas sa 13 rider

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Todas ang magbayaw, nang pagbabarilin ng 13 armadong lalaki na sakay ng mga motor­siklo habang ang mga biktima ay nasa loob ng kani­lang tahanan sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Lorie dela Cruz, alyas Lorie Nanac, na kabilang sa drug watchlist ng pulisya at kanyang bayaw na si Jeffrey Sumayang, 23, na kalalaya lamang­ mula sa Marikina City Jail matapos na maka­pagpiyansa sa kinakaharap na kasong paglabag sa Re­public Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid mula kay P/Sr. Supt. Lorenzo Holan­day, hepe ng Marikina City Police, na ang insidente ay naganap dakong alas-8:35 ng gabi sa tahanan ng mga biktima na matatagpuan sa Block 53 Pipino Street sa Barangay Tumana.

Sa pahayag ng ilang testigo, dumating ang 13 suspek, na lulan ng pitong motorsiklo at ka­agad na pinasok ang tahanan ng mga biktima at pina­ulanan ng bala, saka mabilis na tumakas.

Isinugod pa sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktima ngunit patay na ang mga ito bunsod nang tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Bigo naman ang mga testigo na makilala ang mga suspek na pawang nakasuot ng helmet at maskara nang isagawa ang pagpatay. Sinabi ni Holanday na hinala nilang may kina­laman sa illegal na droga ang krimen lalo na’t parehong drug personality ang mga biktima, bukod pa sa dati na rin nabaril si Lorie ngunit nakaligtas lamang. 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang mga tauhan ng Mari­kina police para mabatid ang tunay na motibo ng krimen at madakip ang mga ito.

vuukle comment

LORIE DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with