^

Metro

Komedyanteng singer na si Blakdyak, nag-suicide

MR. BARANGAY - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Komedyanteng singer na si Blakdyak, nag-suicide
Ayon kay SPO1 Lester­ Evangelista, ng Manila Po­­lice District Homicide Sec­tion, si Blakdyak o Joey Formaran, ng Dapitan Square, Dapitan St., Sampaloc, May­nila ay namatay dahil sa ‘asphyxia thru smother’.
Screengrab/YouTube

MANILA, Philippines – Winakasan ng 46-anyos  na komedyanteng singer na  si Blakdyak ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglalagay ng plastic bag sa kanyang mukha, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay SPO1 Lester­ Evangelista, ng Manila Po­­lice District Homicide Sec­tion, si Blakdyak o Joey Formaran, ng Dapitan Square, Dapitan St., Sampaloc, May­nila ay namatay dahil sa ‘asphyxia thru smother’.

“Posibleng naka-downer siya kaya desidido siya sa ginawa niyang pagpapakamatay, walang sugat ang kan­yang katawan, wala rin kagamitan niya ang hinalukay, may nakita kaming­ bote ng Chivas Regal sa banyo, at sa kusina iba’t-ibang klase ng bote ng alak”, ayon pa kay Evangelista.

Nabatid na hinihintay pa ni Evangelista ang resulta ng awtopsiya para malaman kung may tinikman itong drugs bago nagpakamatay.

Sa pagtaya ni Evange­lista may 6 na oras nang patay ang biktima nang matagpuan ito ng kanyang anak.

Inalis ni Evangelista ang anggulong foul play sa insi­dente dahil wala namang anu­mang indikasyon na may­­­roong naganap na ‘struggle’ at wala ring for­cible entry sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

Nalaman rin na posibleng ‘depresyon’ dahil  wala nang gaanong proyekto bukod pa sa mga kaso may kaugna­yan sa droga na kinakaharap nito sa ilang presinto sa Que­zon City Police District (QCPD) at MPD.

Nakulong na rin umano ito sa kasong panggugulo sa Mandaluyong City at mada­las umanong ireklamo ng kanyang mga babaeng te­nant sa naturang condomi­nium dahil sa pagpapakita nito ng maseselang bahagi ng katawan at niyaya pa silang makipag-sex sa kanya.

Si Blakdyak ay nadisku­breng patay ng kanyang anak na si Tomi, 12, sa loob ng kuwarto nito dakong alas-6 ng gabi, walang saplot ang buong katawan, nakahandu­say sa sahig at may nakasuklob na plastic sa ulo.

Magugunita na si Blakdyak ang nagpasikat sa mga awiting ‘Modelong Cha­ring,’ ‘Good Boy’ ‘Magic Kapote’ at ‘Asin at Paminta.’ at nag­bida rin sa ilang comedy films.

May mga nagsasa­bi na si Blakdyak ay half Filipino at half Barbadosian. Kasal ito kay Twinkle Estanislao at may apat na anak.

BLAKDYAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with