LRT-1, magtataas ng pasahe
MANILA, Philippines - Magtataas ng pasahe ang Light Rail Transit (LRT)-1, ang linya ng LRT na nag-uugnay sa Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Baclaran sa Parañaque City.
Kaugnay nito, nakatakdang makipag-dayalogo ang Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng Light Rail Metro Center (LRMC) para sa posibleng ‘win-win solution’ sa isyu.
Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado, batay sa concession agreement ng LRT-1 ay pinahihintulutan itong makapagtaas ng 10 porsiyento ng pasahe, epektibo noong Agosto 1.
Nilinaw ni Mercado na nire-respeto ng DOTr ang mga kontratang pinapasok ng gobyerno sa mga pribadong korporasyon.
Gayunman, plano munang makipag-da-yalogo ng DOTr sa LRT-1 upang makatiyak kung anong klaseng serbisyo ang makuku-ha ng publiko na kaa-kibat ng taas-pasahe.
Naniniwala rin aniya si DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi pa napapanahon ang pagtataas ng pasahe sa LRT-1 ngunit hindi naman aniya nila maaring labagin ang nakasaad sa kasunduan.
Paliwanag niya, nais lamang ng DOTr na makatiyak na maibibigay ng tama at maayos ang serbisyo ng linya ng tren sa mga pasahero.
- Latest