^

Metro

2 pang Chinese timbog sa P150-M shabu

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling umiskor ang mga tauhan ng PNP ma­karaang dalawa pang Chinese na pinaniniwalaang big time drug trafficker ang nasakote sa panibagong anti-illegal drugs buy bust operation na isinagawa sa parking lot ng isang mini hotel sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Geng Qing Chuan, 35 at Xiangfan Yao, 28, kapwa residente ng Ongpin, Binondo sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Joel Pag­dilao alas-9 ng uma­ga ng magsagawa ng buy bust operation ang NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs-Special Operation Group(NCRPO-RAID-SOTG) sa parking lot ng isang hotel na mata-tagpuan sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard malapit sa Araneta Avenue, Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Dito natimbog ang mga suspect na  nakumpiskahan ng 30 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P 150 M.

Nasamsam rin sa operasyon ang kulay abong Toyota Innova (TWQ 280) na gamit ng mga suspect sa kanilang ilegal na operasyon.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan kung konektado ang mga suspek sa dalawa ring nasakoteng Filipino-Chinese na nakumpiskahan naman ng 37 kilo ng shabu sa operasyon sa Valenzuela City kamakalawa.

Samantala sa Taguig City, dala­wa pa ring Chinese nationals ang natimbog at nasamsaman ng may kalahating kilo ng shabu sa isinagawang  buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Chief Supt. Henry Ranola Jr., district director ng SPD ang mga suspek na sina Chin Jinchi at Quo Qiang, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon kay Ranola, nakatanggap sila ng “tip” hinggil sa umano’y illegal na gawain ng mga suspek, dahilan upang maglunsad  ang kanyang mga tauhan ng isang buy-bust operation laban sa mga ito. (Dagdag na report ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA AVENUE

ATILDE

AYON

BRGY

CHIEF P

CHIN JINCHI

DIRECTOR JOEL PAG

MGA

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with