School service na-sandwich ng 2 truck: 2 pupil sugatan
MANILA, Philippines – Dalawang menor-de-edad na estud-yante ang sugatan makaraang ma-sandwich ang sinasakyan nilang school bus ng dalawang dambuhalang truck habang nakahinto sa may bahagi ng Mindanao Avenue, lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 6, ang mga sugatang biktima ay sina Rane Avacleone-Buguit, 8 at Aeljay Leonese-Saguiguit, 6, mga estudyante sa St. Theresa’s College.
Ayon kay Eddie Maglente, traffic aide ng TS6, kapwa nagtamo ng mga injuries sa tuhod at agad na dinala sa Global Pacific Hospital para malapatan ng lunas ang mga biktima.
Ang pangunahing suspect sa insidente ay nakilalang si Romeo Daz, 34, ng Towerville Brgy. Sto. Cristo San Jose del Monte Bulacan, driver ng Isuzu Tractor (XSK-161) na nasa kustodiya na ng TS6.
Habang ang isa pang sangkot na sasakyan ay ang Tractor head trailer truck (AWA-5747) na minamaneho ng isang Joel Pahati, 39, ng Sta. Maria Bulacan.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Mindanao Avenue, kanto ng Palmer St., Brgy. Talipapa, sa lungsod, ganap na alas- 5:40 ng umaga.
Bago ito, pawang nakahinto umano ang school bus na minamaneho ni Eduardo Danao, 63, at ang truck ni Pahati na nasa unahan nito sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang truck na galing Quirino highway patungong Valenzuela City na minamaneho ni Daz at direktang tinumbok ang hulihang bahagi ng una.
Sa pagsalpok ng truck ni Daz sa school bus, umarangkada naman ito sa truck ni Pahati na nasa kanyang unahan sanhi para maipit ito ng mga nabanggit na sasakyan at tuluyang mayupi ang harapan nito.
- Latest