4 Japanese national ipinadeport
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Immigration ang deportation ng apat na Japanese nationals patungong Japan matapos silang isakay sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport.
Kinilala ang mga idineport na sina Ueda Koji, Kiyohara Jun, Suzuki Keiji, at Sawada Masaya, dahil sa paglabag sa Seksyon 37(a)(7) ng Philippine Immigration Act, partikular na sa paglabag sa mga kundisyon ng pananatili at pagiging itinuturing na mga “undesirable aliens.”
Ang mga na-deport ay may nakabinbing arrest warrants sa Japan kaugnay ng mga kasong panloloko at pagnanakaw.
Ang agarang deportasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Japan upang masiguro ang kanilang pagbabalik para harapin ang mga legal na proseso sa kanilang bansa.
Muling pinagtitibay ng Bureau ang dedikasyon nito sa pagpapatupad ng batas sa imigrasyon ng Pilipinas at sa pagsuporta sa mga pandaigdigang hakbang laban sa kriminalidad.
- Latest