^

Metro

QCPD naibaba sa 22 porsyento ang 8 focus crimes

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Last Quarter ng 2024

MANILA, Philippines — Iniulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., ang pagbaba ng 22.08% sa 8 focus crimes sa  first half ng last quarter taong 2024.

Nabatid na mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 15, naitala ng QCPD ang 187 insidente sa 8 focus crimes na kinabibilangan ng Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Car Theft, at Motorcycle Theft.

Ayon kay Buslig, kumpara ito sa insidenteng naitala noong Agosto 15 hanggang Setyembre 30 na umaabot sa   240.

Lumilitaw na sa 8 focus crime, ang kasong theft ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba ng insidente mula 107 at naging 83 o 22.43%.

Kapansin pansin din ang malaking pagbaba ng 8 focus crime ng Kamuning Police Station (PS 10) sa pamumuno ni PLtCol. Leonie Ann Dela Cruz na  54.55% o 15 insidete mula sa 33 crime incidents.

Ang pagbaba ng crime incidents ayon kay Buslig ay bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with