^

Metro

Hulog mula 20th floor ng condo coed dedo sa selfie

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 19-anyos na mass communication student nang mahulog mula sa roof deck ng isang 20-storey condominium habang nagse-selfie sa Ermita, Maynila, kamakala-wa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Cristina Marie Pagalila­uan, 3rd year sa Adamson University at residente ng Eternity St.,Compil 3, San Vicente, San Pedro, Laguna.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-5:20 kama­kalawa ng hapon subalit itinawag sa kanilang tanggapan alas-7:00 ng gabi. Naganap ito sa Dahlia Tower, Suntrust Parkview Condo­minium, sa Natividad Lopez  St., Ermita.

Sa imbestigasyon, bago tuluyang mahulog mula sa roof top ay nagawa pang kumapit sa window molding ng biktima na bumigay kung kaya’t dumiretso sa pagbu-lusok pababa ang biktima.

Nagtungo umano sa na­sabing condominium ang biktima kasama ang ka-klaseng si Jonea Mildred Ani at doon nagkuhanan ng litrato gamit ang cellphone.

Habang nag-scan uma­no ang kaklase sa mga naunang shots ay umakyat ang biktima sa pader o parakeet wall dahil mas gusto niya umano na mahagip ang overlooking background.

Pinigilan umano siya ni Ani sa pangambang baka mahulog subalit mabilis umano ang pangyayari at nahulog na nga ang biktima.

Una umanong nagtu-ngo sa Unit 4, sa 4th floor ng condo ang dala­wa kahit wala ang may-ari ng unit na boyfriend umano ng bik­tima dahil may hawak umano itong ekstrang susi. Nasa Mindanao umano ang owner ng unit.

Nagulat na lamang uma­no si Ani nang mahulog na ang biktima kaya nagpa-saklolo sa security guard ng condo.

Inilagak na sa Saint Rich Funeral ang bangkay ni Pagalilauan para sa awtopsiya.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

ALONZO LAYUGAN

ANG

CRISTINA MARIE PAGALILA

DAHLIA TOWER

ERMITA

ETERNITY ST.

JONEA MILDRED ANI

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with