^

Metro

100 CCTV ikinabit sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinabitan ng nasa 100 closed-circuit tele­vision (CCTV) camera ng Bureau of Corrections (BuCor) ang loob ng New Bilibid Prisons (NBP) bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

Ayon kay BuCor Dir. Rainier Cruz III, inilagay ito sa mga strategic area upang ma-monitor ang galaw ng mga preso kahit araw o gabi.

Makakatulong din umano ito para sa pagtukoy kung sino ang mga nasa likod ng pagpasok ng mga kontrabando sa loob ng national penitentiary.

Magugunitang kamakalawa ay panibagong mga cellphone, TV, DVD, armas, cash at mga manok ang nakumpiska sa isinagawang ika-10 “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng BuCor.

Bukod sa pagga­lugad sa Maximum Security Compound, giniba na rin ang kubol ng notorious carjack leader na si Raymond Dominguez na nagmistulang hardware matapos makakuha ng mga saku-sakong buhangin, graba at bakal. Nakakumpiska rin dito ng drug paraphernalia ang mga otoridad.

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

BUREAU OF CORRECTIONS

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MGA

NEW BILIBID PRISONS

OPLAN GALUGAD

RAINIER CRUZ

RAYMOND DOMINGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with