^

Metro

Vendors, illegally park vehicles sinuyod sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuyod ng  mga tauhan ng  Manila Action and Special Assignment (MASA) ang ilang lugar sa paligid ng Manila City Hall kung saan isinagawa ang paglilinis sa mga vendors gayundin ang clamping sa mga illegally park na sasakyan.

Sa report ni   Insp. Rommel Purisima, OIC, Manila City Hall Compac/MASA  kay  Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr.,  hepe ng  MASA, sabay-sabay na inoperate  ng kanilang mga tauhan  sa pangunguna ni  SPO3 Joel Aquino at ng  Manila  Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang  Hidalgo Arroceros St., Taft Ave., Gat.  Antonio Villegas St. at Cecilia Palma St. dakong alas-10 ng  umaga.

Umaabot naman sa 10 sasakyan ang  na-clamp dahil na rin sa  pagpapark ng  hindi pinahihintulutan. Ayon kay Irinco, kailangan na linisin mula sa mga naka-illegally park na sasakyan sa mga kalsada dahil kailangan itong malinis upang mapaluwag ang daloy ng  trapiko.

Kadalasang ginagamit na altenate route ang  ilang mga  inner streets upang makapagpaluwag ng daloy ng  sasakyan. Aniya, paghahanda din ito  sa gaganaping Asia Pacific Economic Conference (APEC).

Inisyuhan ng  Ordinance Violation Receipt ang mga na clamp kung saan  makakadagdag  din ito sa koleksiyon ng  city government.

Samantala, nilisin din mula sa mga vendors ang paligid ng Unibersidad de Manila at city hall.

ANG

ANTONIO VILLEGAS ST.

ASIA PACIFIC ECONOMIC CONFERENCE

BERNABE IRINCO

CECILIA PALMA ST.

CHIEF INSP

HIDALGO ARROCEROS ST.

JOEL AQUINO

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with