^

Metro

Marathon sa ika-100 araw ni Peña sa Makati City

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ngayong araw na ito (Oct. 18) ng isang marathon para markahan ang unang ika-100 araw  na panunungkulan at pamamahala ni Makati Acting Mayor Kid Peña.

Ito ay  pangungunahan  ng Information and Community Relations Department at Makati Turismo, na may temang “Tumakbo at Akyatin ang Bulwagang Makati, Para sa Katapatan ng Panunungkulan ng Lingkod Bayan”.

Ang naturang marathon ay lalahukan mismo ni Peña, mga empleyado at residente ng lungsod at mga piling tao sa lipunan na magtataguyod sa Bagong Makati.

Nabatid kay ICRD officer-in-charge Gibo Delos Reyes, ang palaro ay libre sa unang 500 indibiduwal at may kalakip na pabuya at regalo, ay naglalayong itaguyod ang kalusugan at disiplina sa katawan ng mamamayan, at sumisimbolo sa bagong lungsod na mapagkalinga sa taumbayan.

Kabilang sa lalahok ang persons with disabilities (PWDs), opisyal ng barangay at ilang kabataan na naniniwalang posible ang pinapangarap nilang tapat na panunungkulan ng mga halal na lingkod bayan. Gayundin, layon nitong pagbuklurin ang iba’t ibang sektor sa siyudad ng Makati.

Magsisimula ang karera sa tapat ng Rockwell Power­plant Mall, J.P. Rizal St., at tatahak sa kahabaan ng gilid ng Pasig River na may habang isang kilometro patungo sa  22-story Makati City Hall main building.

Ang magwawagi ay hinati sa dalawang kategor­ya, babae at lalaki. Ang pinakamabilis sa magkaibang kategorya ay tatanggap ng tig-P5,000. Ang ikalawa at ikatlong puwesto naman ay makatatanggap ng tig-P3,000 at P2,000 ayon sa pagkakasunud-sunod.

ACIRC

ANG

ATILDE

BAGONG MAKATI

BULWAGANG MAKATI

GIBO DELOS REYES

INFORMATION AND COMMUNITY RELATIONS DEPARTMENT

LINGKOD BAYAN

MAKATI ACTING MAYOR KID PE

MAKATI CITY HALL

MAKATI TURISMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with