^

Metro

Batang snatcher itinumba ng vigilante

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na ti­n­edyer na snatcher ang pinagbabaril at napatay ng isang hinihinalang lala-king vigilante makaraang agawin niya ang cell phone ng isang estudyante sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang umano’y snatcher na si Rommel Resureccion ng Oroquie­ta St., Sta. Cruz. Patay na siya nang ma­ipasok sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa naturang lunsod din.

Tinamaan naman ng ligaw na bala at nasugatan ang mag-amang sina Gary Caingat, 34, at Earl Gabriel, 7, kapwa residente ng Signal Village, Taguig City. Inilipat sila sa isang pagamutan sa Quezon City mula sa JRMMC.

Nabatid sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section na  dakong alas 7:30  ng gabi nang  maganap ang insidente sa harapan ng New Raquel Bread House na matatagpuan sa no. 1710 Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Hinablot umano ni Re- s­ur­­eccion ang cell phone ng estudyanteng si Fran-cesca Calalay, estudyan­te, habang nakahinto ang sinasakyan nitong dyip sa panulukan ng Rizal Ave-nue at San Lazaro sts..

Papatakas na si Re­sureccion sa direksyon ng Rizal Avenue southbound nang isang hindi nakilalang suspek sakay ng Enduro type motorcycle na armado ng kalibre .45 ang bumaril ng magkakasunod na putok at tinamaan siya. Minalas na tinamaan ng ligaw na bala ang sakay naman ng Toyota Corolla na may plakang UDU 776 .

Naglaho na lang bigla ang sinasabing vigilante na posibleng nag-aabang ng mga holdaper at snat-cher sa nasabing lugar na sinasabing madalas ang snatching at holdup.

ACIRC

ALONZO LAYUGAN

ANG

CRUZ

EARL GABRIEL

GARY CAINGAT

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NEW RAQUEL BREAD HOUSE

RIZAL AVENUE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with