^

Metro

Sa anti-crime operation: Lider ng drug/robbery group todas, 7 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang itinuturong lider ng isang notoryus na sindikato na sangkot sa iligal na droga at panghoholdap makaraang makasagupa ang pinagsanib na puwersa ng Malabon at Navotas City Police sa naganap na “running gun-battle” sa dalawang lungsod kahapon.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Jong Sangre, lider ng “Sangre Group” na may ope­rasyon sa Malabon at Na­votas City. Patuloy namang bine­be­repika ang pagkakakilanlan sa pitong nadakip na kasamahan nito na hinihinalang ilan ay pawang mga menor-de-edad.

Isinugod naman sa Paga­mutang Bayan ng Malabon si PO1 Nixon Ponchinian ng Ma­labon City Police-Special Reaction Unit nang tamaan ng bala sa paa buhat sa pamamaril ng mga suspek.

Ayon kay Northern Police District – Deputy Director for Operation, Sr. Supt. Edgar Danao, nagsagawa ng anti-crime operation ang pulisya sa Navotas City dakong alas-11:30 ng tanghali makaraang makatanggap ng impormasyon na isang grupo ng armadong lalaki ang nagpaplano ng pagpatay sa isang pulis na nakatalaga sa Navotas City Police.

Ito ay bilang pagganti umano sa pagkakapaslang kamakailan ng isa rin nilang lider na si Mercury Rodrigo na napatay nang magtangka umanong mang-agaw ng baril ng isang pulis-Navotas habang dadalhin ito sa piskalya.

Nagkaroon ng habulan nang magsisakay sa motorsiklo ang mga suspek hanggang sa uma­bot sa may Pampano Street sa Brgy. Longos, Malabon City.  Dito nabaril ng mga suspek si Ponchinian na kasamang huma­habol sa kanila.

Pinasok ng mga suspek ang isang bodega malapit sa City of Malabon University na kanilang kinubkob sa loob ng higit tatlong oras. Dakong alas-3 ng hapon nang pasukin ng mga tauhan ng Special Wea­pons and Tactics (SWAT) at SRU ang gusali buhat sa ikatlong palapag hanggang sa mapatay si Sangre. Dito na nagsisuko ang mga kasamahan nito nang tumumba ang kanilang lider.

Narekober sa mga suspek ang ilang mga baril, granada at mga bala. Agad na dinala ang mga nasakoteng suspek sa Ma­labon City Police Headquarters para sa kaukulang pag­proseso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CITY

CITY OF MALABON UNIVERSITY

CITY POLICE HEADQUARTERS

CITY POLICE-SPECIAL REACTION UNIT

DEPUTY DIRECTOR

MALABON

MGA

NAVOTAS CITY POLICE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with